^

PSN Palaro

2 teams sa Middle East papalo sa Little League Asia-Pacific Regionals

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Gagawa ng kasaysa­yan ang Pilipinas sa pagtayo bilang punong-abala sa 2013 Little League Asia-Pacific Regionals na magsisimula sa susunod na Linggo.

Ang Clark Freeport Zone ang siyang venue na gagamitin mula Hunyo 30 at Hulyo 8 at ang mga lalabas na kampeon sa mga dibisyong paglalabanan sa softball at baseball ang mga kakatawan sa rehiyon sa World Series sa Agosto

May mga bagong kaganapan na maitatala sa hos­ting at isa rito ay ang pagsali ng Middle East teams na Saudi Arabia at United Arab Emirates (Dubai).

Nasa 15 bansa ang mag­tatagisan at bukod sa dalawang Middle East teams at host Philippines, ang iba pang kasali ay ang China, Chinese Taipei, CNMI Saipan, Guam, Hong Kong, India, Indonesia, Japan, Korea, New Zealand, Singapore at Thai­land.

Ang mga kategoryang paglalabanan sa softball at baseball ay Major League, Junior League, Senior Lea­gue at Big League habang idinagdag sa unang pagkakataon ang 50/70 sa baseball.

Kasali ang Saudi Arabia at UAE sa Major League baseball habang ang Pilipinas, Indonesia at Guam ay may koponan sa lahat ng siyam na kategoryang paglalabanan.

Ang pagkakaroon ng isang venue para sa kabuuan ng palaro ay mangyayari rin sa unang pagkakataon para mabigyan ang lahat na makapanood at masuportahan ang mga paboritong koponan.

Ang host country ay pala­ban sa lahat ng ka­tegorya pero ang mata ay tiyak na nakatutok sa Big League softball na kung saan ang Team Manila ang nanalo sa World Series noong nakaraang taon.

Inorganisa ang natu­rang tournament ng Little League Philippines katuwang ang Clark Development Corporation.

 

vuukle comment

ANG CLARK FREEPORT ZONE

BIG LEAGUE

CHINESE TAIPEI

CLARK DEVELOPMENT CORPORATION

MAJOR LEAGUE

MIDDLE EAST

SAUDI ARABIA

SHY

WORLD SERIES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with