^

PSN Palaro

San Miguel Beer ibabandera si Banchero kontra Slammers sa pagsisimula ng semifinals

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Ynares, Antipolo)

8 p.m.  San Miguel Beer vs Sports Rev Thailand Slammers

MANILA, Philippines - Panatilihing walang  panalo sa kanila ang haha­ngarin ng San Miguel Beer sa pag-host uli sa Sports Rev Thailand Slammers sa pagsisimula ng ASEAN Basketball League (ABL) semifinals ngayong gabi sa Ynares, Antipolo.

Apat na sunod na pa­nalo ang naitala ng Beermen sa Slammers sa head-to-head sa eliminasyon at asahan na totodo pa ang home team sa kanilang alas-8 ng gabi na tungga­lian para hawakan ang 1-0 bentahe sa best-of-five series.

Ito ang unang pagkakataon na gagamitin ng liga ang best-of-five series sa Playoffs at hanap ni coach Leo Austria na kunin ang unang dalawang laro para lumakas ang paghahabol na makapasok sa championship round sa ikalawang sunod na pagkakataon.

“Goal namin sa elimination round na manalo nang manalo para makuha ang homecourt advantage. Mahalaga ito dahil first two games ay sa lugar ninyo gagawin ang mga laro,” wika ni Austria.

Ipaparada rin ng Beermen ang 16-game winning streak sa Slammers na nakapasok sa semis matapos angkinin ang ikaapat at huling puwesto na aabante sa Playoffs.

“Back to zero na ang lahat. Iyong winning streak, wala ng halaga iyan lalo na kung hindi kami manalo ng title. Kaya ang goal ngayon is to take the match one game at a time,” dagdag ni Austria.

Handa ng maglaro uli si Chris Banchero habang ang import na si Justin Williams ay puwede na ring sumabak sa aksyon para mabuo uli ang tikas ng koponan.

Sina Brian Williams, Asi Taulava, Leo Avenido, Val Acuna, Paolo Hubalde at Jeric Fortuna ang iba pang mga tutulong para bigyan ng magandang panimula ang laban sa semifinals.

Huhugot naman si Slam­mers coach Joe Bryant ng husay kay Christien Charles na naghatid ng 19.68 puntos, 14.53 rebounds, 4.11 blocks, 1.32 steals at assists para igiya ang Slammers sa 8-14 ba­raha.

Si Filipino import Froilan Baguion ay magsisilbing tinik din lalo pa’t siya ay binitiwan ng Beermen sa off-season.

vuukle comment

ASI TAULAVA

BASKETBALL LEAGUE

BEERMEN

CHRIS BANCHERO

CHRISTIEN CHARLES

FROILAN BAGUION

JERIC FORTUNA

SAN MIGUEL BEER

SPORTS REV THAILAND SLAMMERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with