^

PSN Palaro

Una sa semis, sa finals din kaya?

FREE THROWS - AC Zaldivar - Pilipino Star Ngayon

Sa ikalawang sunod na pagkakataon ay naihatid ni Luigi Trillo sa semifinals ang Alaska Milk matapos na maungusan nila ang Air21 Express, 87-81 noong Sa­bado sa Mall of Asia Arena.

Actually, pinapaboran naman talaga ang Aces na magwagi laban sa Express. Kasi nga, ang Alaska Milk ang top seed sa playoffs matapos na manguna sa 14-game elimination round sa kartang 11-3. Nagtago sila ng twice-to-beat advantage papasok sa quarterfinals.

Ang Air21 ang eighth-seed kung kaya’t talagang dehado ang tropa ni coach Franz Pumaren.

Pero dahil sa tinalo ng Express ang Aces sa kanilang kaisa-isang laban sa elims, kahit paano ay may pressure sa balikat ni Trillo. Kahit paano’y iniisip pa rin ng Aces na puwedeng makaulit ang Express kung hindi nila ibubuhos ang lahat ng kanilang makakaya.

Kahit paano’y siguradong ginamit din ni Pumaren bilang motivation sa Express ang panalong  iyon. Tiyak na sinabi niyang “tinalo na natin ang Alaska Milk noon, mga bata. Kaya nating makaulit.”

So, papasok sa kanilang duwelo noong Sabado, na­tural na mataas ang tension sa pagitan ng magka­b­ilang koponan.

Pero handa naman ang Aces, e. Maganda ang na­­­­ging simula nila dahil kinuha kaagad nila ang first quarter, 28-21 at pagkatapos ay lumamang ng 17 pun­tos sa halftime, 46-29.

Ang siste’y nakabawi ang Express sa third quarter at naging interesting ang duwelo hanggang sa dulo.

“It’s nice to get over Air21. I knew they would be a tough team to reckon with,” ani Trillo na nasa ikatlong conference bilang coach ng Alaska Milk matapos na ha­linhan si Joel Banal sa simula ng Governor’s Cup no­ong nakaraang season.

Matapos na mabigong pumasok sa quarterfinals ng Governor’s Cup ay nagsagawa ng maraming pagbabago sa koponan si Trillo at kaagad na nakabawi sa Philippine Cup. Katunayan, kung medyo sinuwerte lang sila noon, baka tinalo pa nila ang Talk N Text sa semifinals. Kasi may dalawang games kung saan pu-wede sanang dinaig nila ng Tropang Texters sa semis.

Pero that’s water under the bridge na. Nakara­ting na muli sa semis ang Aces at nakatakda nilang makasagupa ang magwawagi sa duwelo ng Meralco at defending champion San Mig Coffee. Kung nanalo ang Meralco kagabi, ang Bolts na ang makakatagpo ng Aces sa best-of-five semis. Kung nanalo ang San Mig, may Game Three pa sa Miyerkules.

Ayaw ni  Trillo na ma­mili kung aling koponan ang nais nilang makaha­rap. Kung alin na lang ang ibigay sa kanila ng tadhana ay siya nilang paghahandaan.

Pero siyempre, deep inside, siguro’y mas gusto ng Aces na ang Meralco ang makatagpo.

Kasi nga, hindi pa ti­na­­talo ng Alaska Milk ang San Mig Coffee buhat nang lumipat doon ang ka­nilang da­ting head coach na si Tim Cone.

Kahit pa topnotcher ang Aces sa elims, tiyak na ma­dedehado sila sa Mixers kung sakaling sila ang mag­tagpo.

Pero hindi nga puwedeng mamili sina Trillo at Aces. Wala naman sa kamay nila ang resulta ng salpukang iyon, e.

Ang mahalaga’y na­gawa nila ang dapat ni­lang gawin upang maka­rating sa semis. nasa ka­­may na rin nila ang da­pat nilang gawin upang umabot sa finals.

Kung sakaling maka­rating sila sa Finals aba’y tiyak na makakalimutan na nila ang kabanata ni Cone sa kanila. Paniba­gong panahon na nga ito.

 

vuukle comment

ACES

ALASKA MILK

KAHIT

KASI

KUNG

MERALCO

NILA

PERO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with