^

PSN Palaro

Clippers hawak ang homecourt advantage sa playoffs

Pilipino Star Ngayon

MEMPHIS, Tennessee--Nagsalpak si Chris Paul ng isang free throw sa huling 18.3 segundo at tinakasan ng Los Angeles Clippers ang Memphis Grizzlies, 91-87, sa isang preview para sa kanilang posibleng paghaharap sa first-round playoff series.

Dahil sa panalo ng Clippers, inangkin nila ang ka­nilang season series sa 3-1 para sa krusyal na tiebreaker na magbibigay sa kanila ng home-court advantage sa postseason kahit na magkatabla sila ng Grizzlies sa 54-26.

Nasa ibabaw nila ang Denver para sa unahan sa No. 3 seed sa Western Conference.

Pinamunuan ni DeAndre Jordan ang Clippers mula sa kanyang 16 points, habang tumapos si Paul na may 13 .

Sa iba pang resulta, tinalo ng Charlotte ang Mil­waukee, 95-85, samantalang binigo ng Minnesota ang Phoenix, 105-93.

Sa El Segundo, California--Sumailalim si Kobe Bryant sa isang surgery para sa kanyang napunit na Achilles tendon na siyang tumapos sa kanyang season sa huling dalawang laro ng Los Angeles Lakers na naghahangad na makapasok sa NBA Playoffs.

Sinabi ni Lakers trainer Gary Vitti na kailangan ni Bryant ng  anim hanggang siyam na buwan para maka­bawi sa injury sa kanyang 17-year NBA career.

vuukle comment

BRYANT

CHRIS PAUL

GARY VITTI

KOBE BRYANT

LOS ANGELES CLIPPERS

LOS ANGELES LAKERS

MEMPHIS GRIZZLIES

SA EL SEGUNDO

WESTERN CONFERENCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with