^

PSN Palaro

NLEX, Blackwater nagwagi sa PBA D-League

AT - Pilipino Star Ngayon

Laro bukas

(Ynares Arena, Pasig City)

2 p.m. Fruitas vs Big Chill

4 p.m.  EA Regen Med

 vs Cagaya Valley

MANILA, Philippines - Nagbaga ang laro ng NLEX Road Warriors sa second half upang makumpleto ang 85-62 panalo sa Café France sa pagpapatuloy ng PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Ateneo Blue Eagle Gym sa Katipunan, Quezon City.

Umararo ng 58 second half points ang Road Warriors at 33 dito ay ginawa sa ikatlong yugto upang ang 27-33 halftime iskor ay naging 60-51 matapos ang tatlong yugto.

May 17 puntos si Borgie Hermina, si Nico Salva ay naghatid ng 16 at sina Garvo Lanete at Jake Pascual ay tumapos bitbit ang 12 at 10 puntos para sa bataan ni coach Boyet Fernandez na nakuha ang ikatlong sunod na panalo matapos ang limang laro.

Si Mark Lopez ang namuno sa Bakers sa kanyang 14 marka at nakita ng koponan na nagwakas ang apat na sunod na panalo upang bumaba sa ikatlong puwesto kasalo ang Cebuana Lhuillier bitbit ang 4-2 karta.

Sinabayan ang pagkatalo ng Café France ng pangingibabaw ng Blackwater Sports sa Jumbo Plastic, 72-69, para masolo ang unang puwesto sa 5-1 baraha.

Pitong tres ang ginawa ng Elite sa laro at ang 3-pointer ni Gio Ciriacruz sa huling 2:06 ang nagbigay ng 69-62 kalamangan ng nanalong koponan.

May 11 puntos si Ciriacruz katulad nina Kevin Ferrer upang suportahan ang 12 puntos at 10 boards ni Justin Chua.

vuukle comment

ATENEO BLUE EAGLE GYM

BIG CHILL

BLACKWATER SPORTS

BORGIE HERMINA

BOYET FERNANDEZ

CAGAYA VALLEY

CEBUANA LHUILLIER

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

ROAD WARRIORS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with