^

PSN Palaro

Yao Ming tuloy na ang pagdating sa Mayo 3: Shanghai Sharks mapapalaban sa Smart Gilas at PBA Selection

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiyak na ang pagdating ng Chinese professional basketball team na Shanghai Sharks sa bansa.

Pormal na inanunsyo kahapon ng Philippine Sports Commission (PSC) ang isinusulong na Philippine-China Friendship Games na gagawin mula Mayo 3 hanggang 8 na katatampukan ng dalawang exhibition matches ng Sharks sa pangunguna ng may-ari at ni dating NBA player Yao Ming.

“Ang Shanghai Sharks ay bubuuin ng 48 katao dahil kasama sa darating ang ilang Chinese sports officials at mga mamamahayag. Sila ay darating sa Mayo 3 at ang mga laro ay gagawin sa Mayo 6 at 7,” wika ni PSC Planning Division head Larry Domingo Jr. na nakasama ni officer-in-charge at PSC Commissioner Salvador Andrada na humarap sa mga mamamahayag.

Ang 7’6 na si Yao ay nagsabi ring  makakasama sa laro ng koponan kontra sa Smart Gilas sa Mayo 6 at PBA All-Star sa Mayo 7 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City at Araneta Coliseum sa Quezon City.

Si Yao ay top pick ng Houston Rockets noong 2002 at hindi na niya nilisan ang koponan hanggang sa nagretiro noong 2011 dahil sa iba’t ibang klase ng injuries.

Sa Mayo 3 ang dating ng bisitang delegasyon at sa Mayo 5 ay magsasagawa sila ng basketball clinic sa Ninoy Aquino Stadium na bukas para sa mga street children sa Metro Manila.

Tiniyak din ni Domingo na magiging abot-kaya ang presyo ng mga ibebentang tickets para sa dalawang laro.

“Tinitingnan namin ang bentahan ng tickets sa NCAA at UAAP,” pahayag ni Domingo.

Halagang P5 milyon ang tinatayang magiging gastos ng PSC sa proyekto dahil sagot nila ang gastos ng bisita ngunit sulit ito dahil sa pagkakataon na mapanood na maglaro si Yao bukod pa sa mga inaasahang pagpapaigting ng relasyon sa palakasan ng Pilipinas at China.

vuukle comment

ANG SHANGHAI SHARKS

ARANETA COLISEUM

COMMISSIONER SALVADOR ANDRADA

DOMINGO

HOUSTON ROCKETS

LARRY DOMINGO JR.

MALL OF ASIA ARENA

MAYO

METRO MANILA

NINOY AQUINO STADIUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with