^

PSN Palaro

Kung mananalo sa Cambodia tabla sa Turks, tiket ng Azkals sa Maldives

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kailangan lamang ng Pilipinas na tablahan ang Turkmenistan sa kanilang tagisan sa Martes para makakuha ng puwesto sa 2014 AFC Challenge Cup sa Maldives.

Bago ito ay dapat munang manalo ang Azkals sa Cambodia na ginanap kagabi sa Rizal Memorial Football Stadium para mailapit ang isang paa tungo sa paglalaro sa Challenge Cup sa ikalawang sunod na edisyon.

Ang pag-atras ng Brunei matapos gawin ang iskedul ng laro ng torneo ang nagtulak sa AFC na bigyan ng tig-isang panalo, gamit ang 3-0 iskor, ang Cambodia, Pilipinas at 2012 runner-up Turkmenistan.

Kung manalo ang Pili­pinas sa Cambodia na kasalukuyang naglalaban habang sinusulat  ito, makakapantay nila ang Turkmen sa 2-0 karta at may kabuuang anim na puntos.

Ang bawat panalo ay naggagawad ng tatlong puntos habang ang tabla ay may isang puntos. Hindi binibigyan ng puntos ang natalong laro.

Kapag ganito ang ma­ging sitwasyon, ang Azkals ay mangangailangan lamang na makatabla sa Turkmenistan sa Martes sa pagtatapos ng Group E Qualifiers.

Pitong puntos ang maitatala ng Turks at Azkals at tiket na ito para sa Maldives.

Sa format ng kompetis­yon, ang mga mangungunang koponan sa limang Qualifiers ay diretso ng papasok kasama ang Maldives sa kompetisyon.

Ang mga nakatiyak na ng puwesto ay ang Myan­mar, Kyrgyzstan, Afghanistan at Palestine na nanalo sa Group A, B, C, at D Qua­lifiers.

Ang mananalo sa Group E ay papasok na rin habang ang huling da­la­wang koponan na kukum­pleto sa walong teams na maglalaban-laban ay kukunin sa mga pumanga­lawang koponan na may pinakamataas na puntos.

Ang Bangladesh na pumangalawa sa  Group D, ay pasok na dahil sa mas mataas na goal difference sa dalawang nakalaban.

May tig-anim na puntos ang Bangladesh, India at Tajikistan na naglaro sa Groups A at B.

Pero tumapos ang Bang­ladesh bitbit ang 5 goal difference laban sa apat at tatlo ng India at Tajikistan.

Ang India ang may ikalawang pinakamataas na puntos pero mapapatalsik sila sa puwesto kung mananalo ang Pilipinas sa Cambodia at matatablahan ang Turkmen.

 

vuukle comment

ANG BANGLADESH

ANG INDIA

AZKALS

CHALLENGE CUP

MALDIVES

PILIPINAS

PUNTOS

SHY

TURKMENISTAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with