^

PSN Palaro

Sa pagsagupa sa Singapore Slingers ngayon: Williams ibabandera ng San Miguel Beer

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipaparada ng San Mi­guel Beer si Justin Williams para tulungan ang koponan sa pagbangga sa Singapore Slingers sa 4th ASEAN Basketball  Lea­gue ngayong hapon sa Than Bihn Stadium sa Ho Chi Minh City, Vietnam.

Ang 6’10  na si Williams na pinakawalan ng Globalport sa PBA ay kinuha para pansamantalang palitan si Gabe Freeman na nagpapagaling pa sa tinamong MCL injury.

May 6-3 karta ang tropa ni coach Leo Austria at ha­nap nila na mailista ang ikatlong sunod na panalo kung maigugupo ang Sli­n­gers na nais na itabla ang kasalukuyang record na 4-5 baraha.

Inaasahang palalakasin ni Williams ang depensa ng Beermen lalo pa’t naghatid siya ng 18 rebounds at 4.57 blocks habang naglalaro sa PBA.

“Masuwerte kami at hindi kami nahirapang ma­kakuha ng pamalit kay Freeman. Naniniwala akong malaki ang maitutu­long niya sa depensa,” ani Austria.

Matapos ang Slingers, makakalaban naman ng Beer­men ang Saigon Heat sa Linggo na tatapos sa ABL Hoops Fest 2013.

Bukod sa Beermen at Slingers, magsusukatan din ang nangungunang Indonesia Warriors at Chang Thailand Slammers sa alas-4 ng hapon habang ang huling laro ay sa pagitan ng Saigon Heat at Westsports Malaysia Dragons.

Sa Sabado ay idaraos ang mga side events na slamdunk at 3-point shoo­ting contest para sa mga mahihilig sa basketball sa Vietnam.

vuukle comment

BEERMEN

CHANG THAILAND SLAMMERS

GABE FREEMAN

HO CHI MINH CITY

HOOPS FEST

INDONESIA WARRIORS

JUSTIN WILLIAMS

SAIGON HEAT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with