^

PSN Palaro

San Miguel Beermen hiniya ang Warriors

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nag-init sa second half sina Fil-Am Chris Banchero at JR Cawaling para iba­ngon ang San Miguel Beermen mula sa mahinang panimula tungo sa 57-52 panalo sa nagdedepensang kampeong Indonesia Warriors sa 4th ASEAN Basketball League (ABL) noong Biyernes ng gabi sa Senayan, Indonesia.

Lumamang ng hanggang 11 puntos ang Warriors sa kaagahan ng ikatlong yugto, 22-33,  pero nagkapit kamay sina Banchero at Cawaling sa mahalagang run para kunin ang lamang at ang ikatlong sunod na panalo tungo sa 6-3 baraha.

May 19 puntos si Banchero habang 16 ang ginawa ni Cawaling at ang dalawa ay nagsanib sa 25 second half points para madomina ng dumayong koponan ang huling 20 minutong labanan, 38-27.

Hindi nakapaglaro si Gabe Freeman dahil sa sprain habang si Leo Avenido ay wala rin dahil sa injury pero walang epekto ito at tinapos ng Beermen ang pitong sunod na panalo ng Warriors na nangunguna pa rin sa liga sa 7-3 karta.

Sunod na laro ng Beermen ay laban sa Singapore Slingers sa Singapore sa Marso 24.

vuukle comment

BANCHERO

BASKETBALL LEAGUE

BEERMEN

CAWALING

FIL-AM CHRIS BANCHERO

GABE FREEMAN

INDONESIA WARRIORS

LEO AVENIDO

SAN MIGUEL BEERMEN

SINGAPORE SLINGERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with