^

PSN Palaro

Red Cubs pasok sa Finals ng MMBL

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nangibabaw ang San Beda Red Cubs sa NU Bullpups, 88-78, upang umabante sa Division One Finals ng 30th SeaOil Metro Manila Basketball League sa SBC Gym.

Si JV Mocon ay naghatid ng 19 puntos  para panguna-han ang Cubs na siyang nagdedepensang NCAA cham­pion.

Tinapatan ni Herbert Cani ang 19 puntos ni  Mocon pero kinulang siya ng suporta at ang dating UAAP titlist na Bullpups ay namaalam na sa liga.

Kakaharapin ng San Beda ang Hope Christian sa finals ngayon sa ganap na alas-3:30 ng hapon.

Tatlong finals pa ang matutunghayan bago ang main event at una na rito ang bakbakan ng La Salle Zobel at Chiang  Kai Shek College para sa girls division sa ganap na alas-11 ng umaga.

Ang iba pang laro ay sa pagitan ng NU-C at San Beda-D sa Division 4 dakong alas-12:30 ng hapon at San Beda-C at St. Benilde-Rizal para sa Division 3 na sasambulat dakong alas-2 ng hapon.

vuukle comment

DIVISION ONE FINALS

HERBERT CANI

HOPE CHRISTIAN

KAI SHEK COLLEGE

LA SALLE ZOBEL

METRO MANILA BASKETBALL LEAGUE

MOCON

SAN BEDA

SAN BEDA RED CUBS

SAN BEDA-C

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with