^

PSN Palaro

Nagbida sa panalo ng Express: Cortez nagpasiklab

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

 Laro Ngayon

(Lapu-Lapu City, Cebu)

6:30 p.m. Alaska vs San Mig Coffee

 

MANILA, Philippines - Sa kanyang unang laro para sa Express ay panalo kaagad ang ibinigay ni Mike Cortez.

Humugot si Cortez ng 15 sa kanyang team-high 24 points sa second half para tulungan ang Air21 sa 86-85 tagumpay laban sa Barako Bull kagabi sa elimination round ng 2012-2013 PBA Philippine Cup sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Si Cortez, magdiriwang ng kanyang ika-32 kaa­rawan ngayong araw, ay dinala ng Barangay Ginebra San Miguel sa Air21 kapalit ni 6-foot-7 rookie Yousef Taha noong Miyerkules.

“Where can you find a better script than that? Mike Cortez taking over the game,” ani Express’ head coach Franz Pumaren kay Cortez na nakatuwang niya sa pagkopo sa dalawang UAAP titles para sa La Salle Green Archers. “He scored the last points to turn things around.”

Isinalpak ni Cortez ang kanyang pang apat na three-point shot sa 1:29 sa final canto kasunod ang kanyang basket sa huling 58.1 segundo para sa 86-85 bentahe ng Air21 sa Barako Bull, nagtala ng isang 10-point lead, 53-43, sa 8:51 ng third period.

“I forgot how tired I am, but it’s fun out there,” sabi ni Cortez. “Sana hindi hanggang dito lang. Sana tuluy-tuloy na.”

Hindi na nakaiskor ang Energy Cola, nakahugot ng 24 markers kay Ronald Tubid, sa kanilang posesyon.

Nasa isang two-game winning run ngayon ang Air21 para sa kanilang 3-5 baraha katabla ang Petron Blaze sa ilalim ng nagdedepensang Talk ‘N Text ( 7-1), Rain or Shine (6-2), San Mig Coffee (5-2), Alaska (5-3) at Meralco (4-3) kasunod ang Barako Bull (3-6), Ginebra (2-5) at Globalport (1-7).   

Kasalukuyan pang nag­lalaro ang Gin Kings at ang Batang Pier habang isinusulat ito.

Samantala, maghaha­rap naman ang Mixers at ang Aces, napigilan ng Elasto Painters ang sinak­yang five-game winning streak noong Miyerkules, ngayong alas-6:30 ng gabi sa Hoopsdome sa Lapu-Lapu City, Cebu.

 

vuukle comment

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA SAN MIGUEL

BATANG PIER

CEBU

CORTEZ

CUNETA ASTRODOME

ELASTO PAINTERS

LAPU-LAPU CITY

MIKE CORTEZ

SAN MIG COFFEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with