Jarencio pagsasabihan

MANILA, Philippines - Rerebyuhin ng UAAP Commissioner’s Office ang ginawang paghabol ni University of Santo Tomas head coach Pido Jarencio sa isang referee na namahala sa Game 1 ng UAAP Season 75 men’s basketball finals no­­ong Linggo.

“I still have to review the tape again,” ani UAAP Commissioner Ato Badolato isang araw matapos ang 83-78 panalo ng Ateneo Blue Eagles laban sa Growling Tigers sa ka­n­ilang best-of-three title series.

Tinuligsa ni Jarencio ang ginawang paghawak ng mga referees sa Game One.

Inireklamo ni Jarencio ang pagtawag kay Ka­­rim Abdul ng pang limang foul nito matapos tapikan ng bola si Kiefer Ravena at ang pagkakait kay Jeric Teng ng tatlong freethrows sa kabila ng foul sa kanya sa three-point area sa pagtunog ng final buzzer.

Show comments