^

PSN Palaro

To file or not to file?

AMBETHABOL - Beth Repizo Meraña - The Philippine Star

Nanganganib nga ba ang pagka-pangulo ni Peping Cojuangco sa Philippine Olympic Committee (POC)? 

Magpa-file nga ba ng candicacy o hindi sa POC si Man­ny Lopez?

Nakikiuso ang kolum natin sa takbo ng panahon. Tutal ay parang piyesta naman dahil sa pagpa-file ng certificate of candidacy ng mga kandidato sa eleksyon.

Kahit pa tumanggi si Lopez, at sinabing siya ay “ineligible” o hindi kwalipikado na maging kandidato sa POC, iba naman ang sinasabi ng mga taong nasa kan­yang paligid at ang mga ginagawa nito.

Malamya ang pagtanggi ni Lopez at maging tayo ay ayaw rin natin siyang paniwalaan, dahil napakahaba pa ng panahon at siguradong marami pang mangyayari bago ang eleksyon ng POC na gaganapin sa susunod pang buwan.

Kinakailangan kasi na presidente ng isang National Sports Association ang tatakbo sa pagkakandidato sa POC. Secretary-general si Lopez. Pero inaasahan na­tin na bago ang pagsusumite at pagdedeklara ng kandidato sa Oktubre 26, si Lopez ay isa nang pre­­si-dente ng ABAP.

Nangyari na ang ganitong senaryo noon. Bigla ang isang secretary-general ng isang asosasyon ay nagi­ging president, pero kinakailangan na may suporta ng board ang kanyang pagtakbo.

Kaya nga’t inaasahan natin na ngayon pa lamang ay humihingi na si Lopez ng basbas ni Manny Pangili­nan. Ang isa sa opisyal ng ABAP Board. Kaya nga tama ang ginagawa ni Manny na suyuin muna ang board ng ABAP lalo na si MVP na inaasahan nating susuporta kay Manny.

Aba eh, nararapat lamang na suportrahan ni MVP   si Manny. Una isang malaking karangalan na galing sa NSA mo ang president ng POC, at pangalawa, napa­kalaki ng maaaring gawin ng isang POC president na   maiangat ang kanyang NSA at sport dahil sa access sa tao at pera.

At sino bang NSA ang aayaw sa pagkakataong ito?

Pero, pagkatapos na suyuin ang board, ang iba namang NSAs ang kinakailangan na pagtuunan para naman sa POC election. 

Pero iyan ay iba namang istorya.

Sa ngayon ang alam natin ay tila ayaw pa rin ni Co­juangco na umalis sa POC. At nasa POC members din naman iyan kung pananatilihin nila si Peping.

vuukle comment

KAYA

LOPEZ

MANNY PANGILI

NATIONAL SPORTS ASSOCIATION

PEPING COJUANGCO

PERO

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

POC

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with