^

PSN Palaro

Barako Bull naka-isa na Tubid, Villanueva nagbida sa panalo vs Air21

- RCadayona - The Philippine Star

Hindi sila mga bigating koponan. Pero nagbigay naman sila ng magandang laban para sa kanilang mga unang laro.

Isinalpak ni Ronald Tubid ang isang putback mula sa mintis na layup ni Rico Villanueva sa huling 9.2 segundo sa fourth quarter para itakas ang Barako Bull laban sa Air21, 90-87, sa elimination round ng 2012-2013 PBA Philippine Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

“We’re all confident with each other. We’ve been working hard and we have something to prove,” sabi ni Sean Anthony, humakot ng 18 points, 9 rebounds at 5 assists para sa 1-0 record ng Energy Cola kapantay ang Barangay Ginebra San Miguel Gin Kings.

Nabigo naman ang Express na madala sa overtime period ang laro nang magmintis ang tangkang three-point shot ni Niño ‘KG’ Canaleta kasabay ng pagtunog ng final buzzer.

Nauna rito, isang 13-2 atake ang ginawa nina Tubid, Anthony, Mick Pennisi, Josh Urbiztondo at Doug Kramer upang ibigay sa Barako Bull ang 55-50 abante sa 10:08 ng third quarter buhat sa 42-48 pagkakaiwan sa Air21 sa dulo ng second period.

Itinala ng Energy Cola ang pinakamalaki nilang bentahe sa 67-60 mula sa fastbreak basket ni Anthony sa 3:34 ng nasabing yugto hanggang makatabla ang Express, tumapos na may 5-27 sa nakaraang 37th PBA season, sa 87-87 sa huling 2:07 ng final canto galing sa dalawang freethrows ni Canaleta.

Ang split ni Anthony ang naglagay sa Barako Bull sa unahan, 88-87, sa 1:18 ng laro kasunod ang turnover ni Mark Isip para sa Air21 na nagresulta sa mintis na layup ni Villanueva at putback ni Tubid para sa kanilang panalo.

Tumapos si Tubid na may 19 markers para sa Energy Cola kasunod ang 18 ni Anthony, 14 ni Kramer at 11 ni Pennisi.

Barako Bull 90 - Tubid 19, Anthony 18, Kramer 14, Pennisi 11, Urbiztondo 8, Najorda 7, Villanueva 7, Yap 4, Marcelo 2, Cervantes 0, Cruz 0.

Air21 87 - Baclao 18, Wilson 17, Isip 16, Canaleta 16, Arboleda 7, Custodio 4, Omolon 4, Sena 3, Taha 2, Atkins 0, Ritualo 0.

Quarterscores: 26-27; 49-48; 71-69; 90-87.

vuukle comment

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA SAN MIGUEL GIN KINGS

CANALETA

DOUG KRAMER

ENERGY COLA

JOSH URBIZTONDO

KRAMER

MARK ISIP

MICK PENNISI

TUBID

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with