Scorpions nakisalo sa Saints sa tuktok sa NAASCU cagefest

MANILA, Philippines -  Tumabla uli ang Centro Escolar University sa host school St. Clare nang manalo pa sa AMA University, 75-52, sa pagpapatuloy ng 12th NAASCU men’s basketball noong Linggo sa Lumera Towers sa Legarda, Manila.

Humataw ng 14 puntos si Jeff Lamosa para pangunahan ang Scorpions na agad na iniwan ang Titans sa unang yugto, 20-7, para kunin ang ikaanim na sunod na panalo na siya ring karta ngayon ng Saints.

Nanalo rin ang STI College sa Our Lady of Fatima University, 56-44, habang nailusot ng Trace College ang 61-59 panalo sa New Era University sa ibang mga laro.

May 14 puntos si RK Mo­rales para sa Olym­pians na iniangat ang pu­ma­pangatlong karta sa 4-2 habang ang OLFU ay bumagsak sa 3-4.

Tumapos si Rhegienald Boyles taglay ang 15 puntos para igiya ang Stallions sa panalo sa dikitang laro nila ng Hunters.

Natapos ang ikatlong yugto sa 42-all at nagpa­katatag ang Stallions sa endgame upang mailista ang ikalawang panalo matapos ang anim na laro at itulak ang Hunters sa pagposte ng 3-4 baraha.

Show comments