Tinalo si Guevara via split decision Casimero nakalusot

MANILA, Philippines - Umiskor ng isang knock­down sa first round at naging agresibo sa kabu­uan ng laban, napanatili ni Johnriel Ca­simero ang kan­yang suot na International Bo­xing Federation light fly­weight crown.

Umiskor si Casimero ng isang split decision win la­ban kay Mexican challenger Pedro Guevara sa Cen­tro de Con­venciones sa Mazatlán, Si­naloa, Me­xico.

Ito ang unang title de­fen­se ng 22-anyos na tubong Ormoc City, Leyte sa kanyang hawak na IBF light flyweight belt, inalis ng IBF kay Mexican Ulises So­lis matapos magkaroon ng injury.

Matapos mapabagsak si Guevara sa first round mu­la sa kanyang uppercut, mas lalo pang na­ging pur­sigido si Casimero na ma­kuha ang atensyon nina jud­ges Levi Martinez ng New Mexico, Dr. Ruben Gar­cia ng Texas at Matthew P. Podgorski ng Illi­nois.

Nagbigay sina Martinez at Podgorski ng 114-113 at 116-111 puntos kay Casi­mero, habang nakakuha si Guevara ng 114-113 kay Gar­cia.

May 17-2-0 win-loss-draw ring record ngayon si Ca­simero kasama ang 10 KOs kumpara sa 18-1-1 (3 KOs) card ni Guevara, ng 114-113.

Si Casimero ay na­ging IBF interim champi­on noong Pebrero nang ta­­lunin si Luis Lazarte sa Ar­­gentina via 10th-round TKO.

Sa naturang laban ay si­nugod ng mga galit na Ar­gentinian fans si Casi­mero at manager nitong si Sammy Gello-ani.

Show comments