Local darters magiging abala

MANILA, Philippines - Magiging abala ang mga local darters sa buwan ng Hulyo dahil sa limang malalaking torneo ang magaganap.

Mag-uumpisa ang mabigat na schedule mamayang gabi sa simula ng Metro Manila Darts League (MMDL) na gaganapin sa Ambassador Hotel sa Malate, Manila. Ang MMDL ay katatampukan ng dalawang events - ang non-rated team league at ang Open singles series.

Sa Sabado, Hulyo 7, isang P20,000 classified Dou­bles Tournament ang gaganapin sa Attico Grill, Pascual Bldg, Parañaque.

Sa Hulyo 13 ay magdaraos naman ang Loreto Dar­ters ng isang P30,000 doubles tournament sa Sampaloc, Manila. Sa Hulyo 19 ay dadayo naman ang mga dartes sa mandaluyong City para sa major’s Cup event.

At sa Hulyo 28 ay ipagdiriwang ng Terton Craft ang ika-36 anibersaryo nito sa pamamagitan ng isang P50,000 tournament na pinangalanang “Double 18 Dart­fest” sa Ambassador’s Hotel.

Para sa detalye ng mga torneong ito at sa mga iba pang events ay maaring mag-log on sa www.dartsdcp.com.

Show comments