^

PSN Palaro

LPGMA-American Vinyl puntirya ang individual title sa Ronda Pilipinas

-

CABANATUAN CI­TY, Philippines --Ba­gamat tuluyan nang na­kawala sa kanilang mga kamay ang iniingatang Team championships, isa sa mga sik­lista ng LPGMA-American Vinyl ang umaasa na maisusubi ang individual crown sa Ronda Pilipinas.

At ang hiling na ito ay tila unti-unti ng natutupad at sa bawat araw na lumipas, da­lawang riders ng LPGMA-American Vinyl sina-skipper Irish Valenzuela at Cris Joven--ay nananatiling palaban para sa individual title sa pagtatapos ng 10 Stages ng 15-leg bikathon na ito.

“We talked about clin­ching the individual title after we won the team general classification last year and it seems Irish and Cris have been taking it seriously,’’ pahayag ni LPGMA party­list representative Arnel Ty, may-ari ng multi-titled club kasama ang cycling patron na si Eric Sy.

Si Valenzue­la na biniya­yaan ng husay sa akyatan ang nanguna sa Stage 9 sa Antipolo City at tumalon sa ikaapat na puwesto sa overall, habang inokopahan naman ni Joven, sprint leader sa nakalipas na walong stages, ang pang-9th na puwesto para mana­tiling nasa kontensyon sa P1-million individual champion’s prize sa tiyempong 4:30.

At kung hindi lang sana minalas si Joven, nagtamo ng malaking hiwa sa kaliwang balakang, hawak pa rin ng siklistang mula sa Iriiga City ang red jersey na kanyang inagaw mula kay Baler Ravina sa Stage 8 sa Lucena City.

“It’s better that we didn’t keep the red jersey for long. It builds up pressure that could affect our perfor­mance as a team,’’ wika naman ni LPGMA-Ame­ri­can Vinyl coach Renato Dolosa.

Ngunit hindi maitatago ng two-time champion na siyang gumiya sa koponan sa pagkopo ng Team title sa Ronda noong nakaraang taon at Le Tour de Filipinas title may dalawang buwan na ang nakakalipas, ang kanyang mainit na hanga­ring makuha ang individual diadem ng naturang bika­thon.

vuukle comment

AMERICAN VINYL

ANTIPOLO CITY

ARNEL TY

BALER RAVINA

CRIS JOVEN

ERIC SY

IRIIGA CITY

IRISH AND CRIS

IRISH VALENZUELA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with