So, iba pang GMs sasabak sa Vietnam qualifying

MANILA, Philippines - Babanderahan ng batang Grandmaster na si Wesley So ang iba pang Pinoy GMs na makikipagpigaan ng utak sa 11th Asian Continental Indivi­dual Chess Championships, qua­lifying tournament para sa World Chess Cup sa Mayo 4-14 sa Ho Chi Minh City, Vietnam.

“Wesley has been invited to play in Asian Continental Chess Championships in Vietnam,” sabi ni Grandmaster Jayson Gonzales, ang Executive Director ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP).

Nauna ng sinabi ni So, naghari sa nakaraang 2012 Luneta Open Chess Championships, sisikapin niyang wasakin ang 2700 ELO rating sa kanyang paglahok sa nasabing event.

Bukod kay So, ang iba pang Pinoy na kalahok sa 11th Asian Continental Individual Chess Championships ay kinabibilangan nina GMs Oliver Barbosa, Rogelio “Joey” Antonio Jr., Mark Paragua, John Paul Gomez, Darwin Laylo, Eugene Torre at IM Jan Emmanuel Garcia.

Show comments