Pacers sa playoff na

INDIANAPOLIS--Habang nagpapagaling si Darren Collison ng kanyang sore groin, iginiya naman ni backup point guard George Hill ang Indiana Pacers patungo sa 102-83 paggupo laban sa Cleveland Cavaliers at ibulsa ng isang playoff ticket.

Nagtala si Hill ng 15 points at 7 assists para sa Pacers. Nagposte siya ng mga averages na 16.7 points at 5.3 assists sa ka­nilang panalo kontra sa Toronto at dalawa laban sa Cleveland.

Humugot si Hill ng 10 points sa second quarter para tulungan ang Pacers na makabangon buhat sa isang 14-point deficit.

Tumipa si Danny Gran­ger ng 18 points, habang may 16 si Tyler Hansbrough, 13 si Leandro Barbosa at 12 si Roy Hibbert para sa Pacers, nanalo ng pito sa kanilang huling walong laro.

Dinuplika ng Indiana (37-22) ang kanilang win total noong nakaraang sea­son.

Nasa ikatlong posisyon ngayon ang Pacers sa Eastern Conference stan­dings at nagtatangkang masikwat ang homecourt advantage sa first round ng playoffs.

Show comments