^

PSN Palaro

Big Chill, Black Water Wagi

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Hindi nakitaan ng anu­mang pagkukumpiyansa ang Blackwater Sports upang samahan ang Big Chill na mga beteranong koponan na hiniya ang mga bagitong Erase Plantcenta at Cagayan Rising Suns sa idinaos na PBA D-League Foundation Cup kahapon sa The Arena sa San Juan City.

May 19 puntos at 11 re­bounds si Gio Ciriacruz habang 15 puntos at 12 boards ang kay Kelly Nabong at ang Elite ay umarangkada agad sa 24-9 sa unang yugto tungo sa 91-63 tagumpay sa Erasers.

 “Matapos matalo sa Jr. Powerade, ipinaalala ko sa kanila na hindi kami puwedeng maglaro na hindi magtatrabaho at magpapakita ng disciplina at commitment. Nagising na sila,” ani Elite coach Leo Isaac.

Lumawig pa sa 40-21 ang kanilang bentahe sa first half dahil ang depensa ng Elite ay nakitaan ng paglimita sa koponan ni coach Yong Garcia sa 9 of 37 shooting.

Si Jet Vidal ang namu­no sa bagitong koponan sa kanya12 puntos ngunit nangyari ito sa masamang 4 of 20 shooting.

Mas mabangis na 29-9 ang start ng Super Chargers tungo sa 98-66 tagumpay sa Cagayan Rising Suns.

Ikalawang sunod na pa­nalo ang kinuha ng ba­gong coach na si Robert Sison sa kamay ng Big Chill at si Mac Montilla ay sumablay lamang ng dalawang tres mula sa walong pinakawalan tungo sa 21 puntos.

Gumawa ng 26 puntos si Lucas Tagarde pero siya lamang ang naging mainit para sa Suns tungo sa paglasap ng ikalawang dikit na kabiguan ni Francis Rodriguez na hinaha­linhinan ang puwesto ng head coach na si Alvin Pua na suspindido sa loob ng tatlong laro matapos manapak ng referee sa isang tune-up game.

Ang Blackwater at Big Chill ay umangat sa 2-1 karta habang ang Erase Plantcenta ay bumaba sa 1-2 baraha.

Blackwater Sports 91 – Ciriacruz 19, Zamar 16, Nabong 15, Bautista 8, Celiz 8, Ignacio 6, Fortuna 5, Mandani 5, Pascual 4, Afuang 3, Jeffries 2, Lo 0, Camus 0.

Erase Plantcenta 63 – Vidal 12, Mangahas 10, Gomez 8, Stevens 7, Ferreria 5, Flores 5, Dela Cruz 4, Melegrito 4, Acosta 4, Sarangay 4, Torres 0, Lascunas 0, Pascual 0, del Rio 0.

Quarterscores: 24-9, 40-21, 67-37, 91-63.

vuukle comment

ALVIN PUA

ANG BLACKWATER

BIG CHILL

BLACKWATER SPORTS

CAGAYAN RISING SUNS

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

DELA CRUZ

ERASE PLANTCENTA

FRANCIS RODRIGUEZ

GIO CIRIACRUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with