^

PSN Palaro

Win no. 2 pakay ng Elite vs Jr. Tigers

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Ikalawang sunod na panalo ang balak ng Blackwater Sports habang unang panalo ang pag-aagawan ng mga bagitong koponan na Erase Plantcenta at Ca­gayan Rising Suns sa pagpapatuloy ng PBA D-Lea­gue Foundation Cup ngayon sa The Arena sa San Juan Gym.

Kalaban ng Elite ang Junior Powerade Tigers sa tampok na laro dakong alas-4 ng hapon at sinisipat ng tropa ni coach Leo Isaac na maduplika ang ipinakitang laro nang kanilang durugin ang RnW Pacific Pi­pes, 88-67, sa unang asig­natura.

“Confident ako sa chan­ce namin na makapasok sa semifinals. Umiwas kami nga­yon sa mga players na hindi kayang ibigay ang total commitment sa team at nakuha ko rin ang mga players na gusto kong kunin,” wika ni Isaac.

Hindi naman nagku­kum­piyansa ang Elite dahil aminadong si Isaac na hindi niya alam ang larong kayang ibigay ng Tigers na hawak ni UP coach Ricky Dandan at binitbit sa kopo­nan ang mga Maroons tulad ni Jet Manuel, Mike Silungan, Mike Gamboa at Mark Juruela.

“Dahil isang collegiate team sila, expected ko ang pressure defense at run and gun style ng laro. Kailangang kami ang makapagdikta ng tempo,” dagdag pa ni Isaac na aasa kina Gio Ciriacruz, Jordan Mandani, Paul Zamar at Kelly Nabong na naghatid ng doble-pigurang puntos sa unang laro.

Magpapakitang-gilas din ang Suns sa kanilang unang laro sa liga kahit wa­la ang kanilang head coach na si Alvin Pua.

Si Pua ay sinuspindi ng tatlong laro at pinagbayad ng P50,000 nang suntukin niya ang referee sa isang tune-up game noong naka­raang linggo.

Hahalili sa puwesto ni Pua si Francis Rodriguez at pipilitin niyang tabunan ang masamang simula ng Cagayan team sa liga sa pag-ani ng panalo.

Inaasahang hindi magiging madali ang bagay na ito dahil ang Eraser ay nagbabalak na makabawi matapos ang 57-76 panghihiya na inabot sa kamay ng Café France.

Ang mga beteranong sina Jet Vidal at Allan Ma­nga­has na gumawa ng 17 at 11 puntos sa unang sa­bak sa aksyon, ang magsisipag uli para maipanalo na ang koponan.

vuukle comment

ALLAN MA

ALVIN PUA

BLACKWATER SPORTS

ERASE PLANTCENTA

FOUNDATION CUP

FRANCIS RODRIGUEZ

GIO CIRIACRUZ

JET MANUEL

JET VIDAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with