^

PSN Palaro

STARmen dumiretso sa 5 dikit na panalo

-

MANILA, Philippines -  Naisulong sa limang sunod na panalo ng The Philippine Star ang kanilang karta matapos talunin ang Gerry’s Grill, 79-68, sa idinadaos na Congressman Neptali Gonzales Cup sa RTU Gym sa Mandaluyong City nitong Martes.

Nagpakawala ng li­mang tres para sa kabuuang 21 puntos si Niño Sangalang habang nagpakita ng suporta ang tatlo pang kakampi at ang STARmen ay nanatiling nasa tuktok ng team standings sa siyam na koponang liga.

Nag-ambag sina Dennis Rodriguez at Gio Coquilla ng tig-10 puntos habang pito pa ang ibinigay ni Cris Corbin para sa The Philippine Star na lumamang ng hanggang 21 puntos sa katunggali.

Tumapos si Daniel Martinez taglay ang 17 puntos, tampok rito ang apat na tres pero hindi sapat ito para pigilan ang paglaglag ng Gerry’s Grill sa ikalawang kabiguan matapos ang anim na laro.

Sa isa pang laro, nanalo naman ang PNP sa Beng Pablo Basketball, 94-89, para manatili ang pagkakakapit sa ikalawang puwesto sa 3-0 baraha.

May 15 puntos sina Olan Omiping at Reneboy Lata para sa PNP na naisan­tabi ang ginawang 48 puntos ni Nino Juan ng Beng Pablo na nalaglag sa ikaapat na kabiguan sa anim na sagupaan.

PNP 94--Omiping 15, Lata 15, Ballesteros 13, Misola 10, Agoncillo 8, Decena 8, Cabahug 8, Bayabao 6, Escalona 5, Saracho 2, Bautista 2.

Beng Pablo 89 – Juan 48, Pamitan 12, Dedicatoria 10, Lim 6, Punzalan 4, Echane 4, Perez 3.

The STAR 79 – Sanga­lang 21, Coquilla 10, Rodriguez 10, Geocada 8, Corbin 7, Reyes 6, Tabang 5, Ortega 4, Roque 4, Reducto 2, Martinez 0.

Gerry’s Grill 68 – Martinez 17, David 12, Cabonse 9, Batinger 9, Espiritu 5, Ma­nalili 4, Lim 4, Lagrimas 2, Sia 2, Williams 2.

Halftime: 40-34

vuukle comment

BENG PABLO

BENG PABLO BASKETBALL

CONGRESSMAN NEPTALI GONZALES CUP

CRIS CORBIN

DANIEL MARTINEZ

DENNIS RODRIGUEZ

GERRY

GIO COQUILLA

MANDALUYONG CITY

PHILIPPINE STAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with