^

Kings Luhod Sa Heat

() - February 23, 2012 - 12:00am

MIAMI - Kumolekta si Dwyane Wade ng 30 points at 10 assists, habang umiskor naman ng tig-20 points sina Mario Chalmers at Chris Bosh para tulungan ang NBA-leading Miami Heat sa 120-108 paggiba sa Sacramento Kings.

Sumasakay ngayon ang Heat sa isang seven-game winning streak.

“It was a good game for me, just trying to be aggressive and was able to get my teammates some shots,” wika ni Wade.

Nagdagdag si LeBron James ng 18 points, samantalang may 12 si Norris Cole at 10 si Udonis Haslem para sa Miami (26-7).

Susunod na makakalaban ng Miami ay ang New York Knicks at si Jeremy Lin sa Huwebes.

Humugot naman si Isaiah Thomas ng 20 sa kanyang 24 points sa third quarter para sa Sacramento, habang may 23 si Marcus Thornton, 21 si Tyreke Evans at 16 si Jason Thompson.

Sa Portland, Ore., nagtapos na ang 11-game winning streak ng San Antonio Spurs matapos mabigo sa Portland Trail Blazers, 137-97.

Naglaro ang Spurs na wala sina superstars Tim Duncan at Tony Parker.

Umiskor si Jamal Crawford ng 20 points, tampok ang 5 for 7 sa 3-pointers, habang may tig-19 points sina Gerald Wallace at Nicolas Batum at 16 si La-Marcus Aldridge.

Samantala, tinalo naman ng Indiana ang New Orleans, 117-108; binigo ng Cleveland ang Detroit, 101-100 at giniba ng Memphis ang Philadelphia, 89-76.

CHRIS BOSH DWYANE WADE GERALD WALLACE ISAIAH THOMAS JAMAL CRAWFORD JASON THOMPSON JEREMY LIN LA-MARCUS ALDRIDGE MARCUS THORNTON MARIO CHALMERS
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with