^

PSN Palaro

UAAP baseball Finals seselyuhan ng Ateneo, NU

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Selyuhan ang pagkikita nila para sa kampeonato sa UAAP baseball title ang balak gawin ng National University at Ateneo sa pag­sisimula ng Final Four ngayon sa Rizal Memorial Diamond.

Unang sasalang ang Bulldogs laban sa pumang-apat na UST sa ganap na alas-7:30 ng umaga bago sundan ng pagkikita ng Eagles at karibal na La Salle.

Ang Bulldogs ang na­nguna sa double round elimination sa 8-2 karta ha­bang ang Ateneo na may 7-3 baraha katulad ng Archers ay nasilo ang ikalawang puwesto dahil sa mas magandang quotient, ay kapwa may tangan ng twice to beat advantage.

Winalis ng Buldogs ang lahat ng limang laro sa se­cond round upang maging paborito sa UST.

Pero hindi dapat mag­pa­kasiguro ang NU dahil ang Tigers ang siyang nagdedepensang kampeon matapos walisin ang double round elimination noong nakaraang taon.

Hawak man ng Eagles ang ikalawang puwesto, ang Archers ay may mo­mentum sa kanilang ta­gisan matapos iuwi ang 12-9 panalo sa pagtatapos ng eliminasyon noong Linggo.

Ang kabiguan ng Ate­neo na winalis ang first round ay ikatlo sa second round upang malagyan ng pagdududa ang tunay na kakayahan ng koponan na maipagpatuloy ang ka­nilang magandang pa­nimula tungo sa tangkang kauna-unahang baseball title sa liga.

Kung mananalo ang UST at La Salle, ang deciding game ay lalaruin sa Linggo. Ang Finals ay isang best-of-three series.

vuukle comment

ANG BULLDOGS

ANG FINALS

ATENEO

BULDOGS

FINAL FOUR

LA SALLE

LINGGO

NATIONAL UNIVERSITY

RIZAL MEMORIAL DIAMOND

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with