Corteza sasagupa kay Yang sa Face-Off Series sa Sabado

MANILA, Philippines - Sisikaping ibigay ni Lee Van Corteza ang ikalawang su­­nod na panalo ng mga Fi­lipino cue artists laban sa mga bi­sitang manlalaro sa pagpapatuloy ng Philippine Bigtime Billiards (PBB) Face-Off Series sa Sabado sa PAGCOR Airport Casi­no sa Parañaque City.

Kalaban ni Corteza si Yang Ching-shun ng Chi­­nese-Tai­pei sa isang ra­ce-to-9, 10-ball, winner’s break format na sisimulan sa ganap na alas-9 ng gabi.

Tinapos ni Francisco ‘Django’ Bustamante ang tat­long sunod na panalo ng mga dayuhan nang ka­lusin si Daryl Peach ng Great Britain, 9-8, noong na­karaang ling­go.

“Gagawin ko ang lahat pa­ra manalo pa tayo,” wika ni Corteza sa kanyang pakikipagharap kay Yang.

Si Yang ang kauna-unahang Taiwanese na mag­la­laro sa PBB.

Dahil sa pagkapanalo ng Pinoy player sa hu­ling laban, pi­­napaboran si Corteza laban kay Yang.

Kilala sa taguri bilang ‘The Son of Poo’, si Yang ay gus­tong tumulad kina Ralf Souquet at Peach na na­naig rin sa mga nakalabang pam­bato ng bansa.   

Hindi natalo si Souquet sa dalawang laro nito laban ki­na Den­nis Orcollo at Carlo Biado.

Show comments