Solong liderato tangka ng Black Water Elite

MANILA, Philippines - Dapat kakitaan ng tikas sa endgame ang Blackwater Elite kung nais nilang magkaroon ng magandang resulta ang paglalaro sa PBA D-League Aspirants’ Cup.

Ito ang wika ni coach Leo Isaac na magbabakasakaling hawakan ang solo liderato sa liga sa pagbangga sa Dub Unlimited sa ganap na alas-2 ng hapon ngayon sa San Juan Gym, San Juan City.

Nanalo ang Elite sa Bo­racay Rhum sa dikitang 68-65 iskor at masaya man si Isaac sa tagumpay ay aminadong dapat masanay sa dikitang laro ang tropa dahil sa matitinding katunggali sa liga.

Ang tampok na laro ay sa pagitan ng Big Chill at Cobra Energy Drink dakong alas-4.

Show comments