Premyo ng Pinoy Sports Idol winner naibigay na ng PAGCOR

MANILA, Philippines - Naibigay na kay Pinoy Sports Idol Season 9 winner na si Charizza Camille Alombro ng Philippine Ga­ming Corporation (PAGCOR) ang pangakong prem­yo na all-expenses paid trip sa anumang inter­national competition na gu­s­to nitong lahukan.

Sasali ang taekwondo jin sa 4th Chicago Interna­tional Taekwondo Winter Games sa Illinois sa Nob­yembre 11-13 kasama ang ka­patid nitong si Raymund.

Noong una ay sinabi ng PAGCOR na hindi mai­bi­bigay ang pangakong prem­­yo sa 16-taong gulang na taekwondo varsity team member ng University of the Philippines-Diliman na si­­yang nagwagi sa reality TV show noong Hunyo 24, 2009.

Maliban sa isang college scholarship grant, pi­nangakuan rin si Alombro ng libreng biyahe sa kahit anong bansa upang sumali sa anumang kompetisyon na sagot ng PAGCOR.

Ang ama ni Charizza ay isang taxi driver at housewife naman ang ina, kaya nga’t nawalan na siya ng pagasang makasali sa kompetisyon dahil ang gastusin ay aabot sa $4,000.

Si Alombro, isang BS Geology sophomore sa UP, ay nagdagdag ng isang sil­ver at bronze medal sa 6th Korea Open International Taekwondo Cham­pionships noong nakaraang taon.

Show comments