Lady Tams wagi laban sa Lady Archers

MANILA, Philippines - Naghatid ng 20 points at 11 rebounds si Allana Lim para tulungan ang FEU sa 59-53 panalo laban sa La Salle para sa kanilang 11-2 rekord sa 74th UAAP women’s basketball tournament sa Blue Eagles Gym noong Linggo.

Nanalo naman ang UST kontra sa UE, 72-63.

May 10-3 karta ang Tigresses at makukuha pa ang No. 1spot kapag tinalo ang Lady Falcons sa pagtatapos ng double-round elimination sa Linggo, Setyembre 11.

Samantala, iginupo ng Ateneo ang nagdedepensang Adamson, 23-21, 21-17, para lumapit sa Final Four sa women’s beach volleyball.

May 4-0 karta ngayon ang Lady Eagles kasunod ang Tigress (3-1) at Lady Tams (3-1).

Pinayukod ng UST ang ang host UE Lady Warriors, 21-16, 21-13, habang giniba ng Lady Tams ang NU Lady Bulldogs, 21-14, 21-11.

Napanatili ng FEU, La Salle Zobel at National University ang pagtangan sa unang tatlong puwesto sa juniors basketball para humigpit pa ang paghahabol para sa mahalagang ‘twice-to-beat’ advantage.

Tumipa ang FEU ng 51-48 panalo laban sa UST, habang nagtala ng 78-56 tagumpay ang La Salle-Zobel sa University of the Philippines Integrated School (UPIS) at umiskor ng 57-50 panalo ang NU kontra sa UE.

Show comments