Jayjay Helterbrand magreretiro na?
MANILA, Philippines - Pumirma lamang si Fil-Am pointguard Jayjay Helterbrand sa isang one-conference contract sa Barangay Ginebra.
Ayon kay Helterbrand, gusto muna niyang tingnan kung kaya pa niyang makipagsabayan sa darating na 2011-2012 PBA Philippine Cup.
Kung hindi na siya makakapag-ambag sa Ginebra, sinabi ni Helterbrand na babalik na lamang siya sa United States para makapiling ang kanyang anak na babae.
Si Helterbrand ay 34-anyos na at nagsimulang maglaro sa PBA noong 2000.
Sa kanyang 10 taon sa liga, nakasama si Helterbrand sa Mythical Five, dalawang beses na nahirang na All-Star MVP at dalawang ulit na napasama sa national team (2007 at 2009 FIBA-Asia).
Isang two-year pact na nagkakahalaga ng P8.4 milyon ang nilagdaan naman ni Mark Caguioa, habang pumirma si Eric Menk ng isang one-year contract-extension deal (P4.2 milyon).
- Latest
- Trending