^

PSN Palaro

Tambalang Huey at Raja walang kupas, dinomina ang Cremona Challenger

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Pinangatawanan nina Fil-Am Treat Huey at Indian partner Puray Raja ang pagiging top seed sa doubles competition ng Cremona Challenger nang mapag­harian ang kompetisyong nagtapos kamakailan.

Tatlong puntos lamang ang ibinigay nina Huey at Raja sa kabuuan ng sa­gupaan nila nina Tomasz Bednarek at Mateusz Kowalczyk ng Poland para makuha ang tagumpay.

Ito ang ikalawang pagkakataon na nanalo sina Huey at Raja bilang mag-partner dahil ang dalawa ay nagsanib din nang dominahin ang Toyota Challenger noong Nobyembre.

Pero para kay Huey, ito ang kanyang ikatlong panalo sa doubles sa taong ito matapos magbunga ang pakikipagtambal kay Vasek Pospisil ng Canada sa Rimouski Challenger sa Canada nitong Marso at sa Meknes Challenger sa Morocco kasama si Simone Vagnozzi ng Italy nitong Pebrero.

Ang paglahok na ito ni Huey sa men’s circuit ay upang makakuha ng mahahalagang puntos sa hanga­ring umangat sa rankings bukod sa gina­wang paghahanda para sa napipintong pangunguna uli sa Philippine Davis Cup team na lalaro sa New Zealand sa first round ng relegation tie sa Davis Cup Asia Oceania Zone Group L.

Mula Hulyo 8 hanggang 10 itinakda ang labanan sa hard court sa TSB Hub, Taranaka, New Zealand at ang mananalo ay aabante upang harapin ang Chinese, Taipei sa Setyembre upang madetermina kung sino ang mananatili sa Group I sa 2012.   

vuukle comment

CREMONA CHALLENGER

DAVIS CUP ASIA OCEANIA ZONE GROUP L

FIL-AM TREAT HUEY

GROUP I

HUEY

MATEUSZ KOWALCZYK

MEKNES CHALLENGER

MULA HULYO

NEW ZEALAND

PHILIPPINE DAVIS CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with