^

PSN Palaro

Wu tinik sa landas ni Immonen sa WTBC, sasargo ngayon

-

MANILA, Philippines - Walang nakakatiyak sa kung sino ang makakapagdomina sa hanay ng mga ma­huhusay na billiards players na kasali sa 2011 World Ten Ball Championship na sasargo ngayon sa World Trade Center sa Pasay City.

Si Mika Immonen ng Finland na nanalo sa kompetisyong handog ng Raya Sports noong 2009 at siya pa ring tatayong nagdedepensang kampeon dahil walang WTBC noong nakaraang taon.

Aabot sa 128 ang manlalarong kasali mula sa 44 bansa pero di tulad sa mga nagdaang edisyon, mas mabigat ang field na katatampukan din ng pag­­babalik ng multi-titled pool player na si Wu Chia Ching.

Tatlong taong namahinga si Wu dahil nilisan niya ang Chinese Taipei at sa palarong ito na suportado ng Sports5, ay kasapi na siya ng delegasyon ng Chi­na.

“Me,” wika ni Immonen nang tanungin kung sino sa tingin niya ang mananalo sa press conference kahapon sa Midas Hotel sa Roxas Boulevard.

Pero nang nagseryoso, sinabi niyang ito na ang pi­nakamahirap na torneo ng World Pool Association (WPA) sa taong ito dahil sa paglahok ng mga bigating bilyarista ng mundo.

 Mangunguna sa pipigil kay Immonen sa hangaring ikalawang sunod na WBTC titulo ay ang lahok ng German na sina Thorsten Hoh­mann at Ralf Souquet.

Si Hohmann ay sariwa pa sa pagkapanalo sa Phi­l­ip­­pine Open at aminado itong malaki ang maitutulong nito sa gagawing kampanya sa larong ito.

May 22 Pinoy din ang kasali sa pangunguna ng WPA number one player Antonio Lining bukod pa sa mga tinitingala na sina Dennis Orcollo, Lee Van Corteza, Jeff De Luna, Antonio Gabica, Ronnie Alcano at Demosthenes Pulpul.

 Ang Sporst5 ang siyang katuwang ng organizers sa taong ito at mapapanood ang mga laro ng live sa IBC-13 mula alas-2 ng ha­pon hanggang alas-7 ng gabi mula ngayon hanggang Biyernes habang alas-12 ng tanghali hanggang alas-5 ng hapon naman ang time slot sa Sabado at Linggo.

Ang double elimination group stages ay gagawin ngayon at dedeterminahin ito ang 64 manlalarong aabante sa knockout stage.

vuukle comment

ANTONIO GABICA

ANTONIO LINING

CHINESE TAIPEI

DEMOSTHENES PULPUL

DENNIS ORCOLLO

IMMONEN

JEFF DE LUNA

LEE VAN CORTEZA

MIDAS HOTEL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with