Pamilya Donaire nagkaayos na
() - March 5, 2011 - 12:00am

MANILA, Philippines - Sa isang malalimang usa­pan naayos ang prob­lema ng pamilyang Donaire.

Ibinaon na ng mag-amang Nonito Donaire Sr. at Donaire Jr. ang alitang pinagpistahan na nangyari tatlong taon na ang nakal­ipas nang bisitahin ng batang boksingero kasama ang asawang si Rachel sa San Leandro, California.

Sa ulat na lumabas sa Philboxing, kasama sa meeting ay ang ina ni Do­naire na si Imelda at nailabas ng magkabilang kampo ang kanilang salo­obin at ang isa’t-isa ay nagpakita ng pang-uunawa kung kaya’t naayos na rin ang problema.

Isa umano sa hini­ling din ni Donaire Sr. sa kanyang anak ay linawin ang naunang lumabas na pahayag sa kanilang kampo na ninakawan niya si Donaire Jr. ng halagang $80,000.

Agad naman nilinaw ni Donaire Jr. na hindi totoo na sila ang nagsabi nito kundi na-misquote lamang umano siya.

Inihayag din ni Donaire na gagawin niya ang tama sa pagpapabulaanan sa mga balitang ito laban sa kanyang ama na ikinatuwa naman ng nakakatandang Donaire.

Wala namang hiningi na ibang bagay si Donaire Sr. sa kanyang anak dahil ang maisaayos ang problema sa pamilya ay sapat na para maging makontento siya.

DONAIRE DONAIRE JR. DONAIRE SR. IBINAON IMELDA INIHAYAG ISA NONITO DONAIRE SR. PHILBOXING SAN LEANDRO
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with