^

PSN Palaro

Pacquiao makikipagkita kay P-Noy

- Abac Cordero -

MANILA, Philippines - Nagpapawis si Manny Pacquiao ng anim na sparring rounds sa Baguio CIty kahapon bago bumaba ng Maynila para sa ilang ak­tibidad, kasama na rito ang posibleng pakikipagpulong kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa Lunes.

Tig-tatlong rounds ang ginawa ni Pacquiao kina Mexicans Michael Medina at Dominican Glen Tapia kahapon ng hapon kasu­nod ang pagbiyahe ng apat na oras papunta ng Maynila.

Nakatakdang daluhan ni Pacquiao ang “10.10.10 Run for the Pasig River” na inaasahang sasalihan ng rekord na 120,000 runners.

Nakatakda ring buma­ba sa Maynila kagabi ang strength and conditioning coach ni Pacquiao na si Alex Ariza.

Nanatili naman sa Baguio City si trainer Freddie Roach.

Ibubuhos ni Pacquiao ang kanyang oras sa kanyang pamilya at gagawin ang kanyang roadwork bu­kas ng umaga sa Rizal Memorial Sports Complex sa Vito Cruz, Manila na siya ni­yang ginawang training camp sa laban kay Miguel Cotto noong Nobyembre ng 2009.

Kinahapunan, dadalo naman si Pacquiao, ka­sa­­ma ang ilang kapwa Congressman mula sa Visayas at Mindanao, sa isang pulong kay Presidente Aquino.

“It has something to do with the budget for the Visayas and Mindanao,” wika ni boxing man Hermie Rivera, saglit na nakausap ang ‘pound-for-pound champion’ matapos ang kanyang sparring session.

Sinabi na kamakalawa ni Roach na walang problema kung maglaro man si Pacquiao ng basketball sa Cooyeesan Plaza Hotel sa Baguio pati na ang hindi niya pagdaraos ng roadwork sa City of Pines.

vuukle comment

ALEX ARIZA

BAGUIO CITY

CITY OF PINES

COOYEESAN PLAZA HOTEL

DOMINICAN GLEN TAPIA

FREDDIE ROACH

HERMIE RIVERA

MAYNILA

PACQUIAO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with