Squires lusot sa Light Bombers

MANILA, Philippines - Naging agresibo ang Letran Squires sa third period upang igupo ang Jose Rizal Light Bombers, 87-73, sa junior’s division ng 86th NCAA basketball tournament kahapon sa San Juan Gym.

Umiskor si Mark Cruz ng game-high 25 points mula sa kanyang 10-of-16 fieldgoal shooting bukod pa ang 6 assists, 4 rebounds at 1 steal upang panguna­han ang Squires.

Itinakda ng Squires ang kanilang paghaharap ng St. Benilde Junior Bla­zers sa Lunes sa isa pang knockout game na magde­determina kung sino sa kanila ang aangkin sa pang apat at huling tiket sa Final Four.

Ang mananaig sa pagitan ng Squires at Junior Blazers ang tatayo bilang No. 4 sa Final Four kalaban ang No. 1 at nagdedepensang San Beda Red Cubs.

Maghaharap naman ang No. 2 San Sebastian Staglets at No. 3 Perpetual Junior Altas.

Show comments