^

PSN Palaro

Mexican TKO kay Gesta, kampeon sa WBO Youth

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Lumapit sa isang hakbang si Mercito Gesta sa hangaring ma­ging world champion nang kunin ang bakanteng WBO NABO Youth light weight title na pinaglabanan nila ni Mexican Oscar Meza nitong Biyernes sa A La Carte Event Pavillon sa Tampa, Florida, USA.

Ang 22 anyos na tubong Mandaue City, Cebu pero na­nini­­rahan na sa San Diego, California ay muling ipinamalas ang bangis ng mga kamao para pasukuin si Meza sa pagsisimula ng ikalimang round.

Ininda ng 23-anyos na si Meza ang matitinding suntok sa katawan at bodega upang magdesisyon na huwag ng tu­mayo sa kinauupuan sa puntong magsisimula na ang ikalimang round.

Unang pagkakataon na lu­maban si Gesta sa titulo pero mataas ang paniniwala itong mananalo lalo nga’t hindi pa siya natatalo sa 17 naunang laban.

Ang tanging mantsa sa kanyang karta ay ang tabla nila ni Rey Llagas noong 2005 nang maputukan si Gesta sa kilay sa round two upang mauwi sa tech­nical draw ang sagupaan na ginawa sa San Andres Sports Complex.

“Gaya ng lahat ng mga boksingero, nangangarap din ako na maging world champion sa hinaharap at ang panalo kong ito ay tungtungan ko para maisa­katuparan ang pangarap na ito,” wika ni Gesta na ngayon ay may 18-0 panalo-talo karta at 8 KO.

Si Meza naman ay nalaglag sa 19-4 karta sa 23 laban at na­laglag din sa 0-2 karta sa da­lawang laban na ginawa sa US.

Unang lumaban si Meza, tubong Sinaola, Mexico, sa US noong Mayo 16, 2009 at natalo siya sa pamamagitan ng TKO sa fifth round laban kay Brandon Rios.

vuukle comment

A LA CARTE EVENT PAVILLON

BRANDON RIOS

GESTA

MANDAUE CITY

MERCITO GESTA

MEXICAN OSCAR MEZA

MEZA

REY LLAGAS

SAN ANDRES SPORTS COMPLEX

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with