^

PSN Palaro

Ayos na ang lahat sa Pacquiao-Mayweather fight; Roach naghahanda na rin

- Abac Cordero -

MANILA, Philippines - Maliban sa pormal na pagpapahayag, nasa ayos na ang lahat para sa Manny Pacquiao-Floyd Mayweather fight.

Nakatakda sa Marso 13, 2010 sa MGM Grand sa Las Vegas kung saan nakataya ang WBO welterweight title ni Pacquiao sa 147 lbs pound, ang dalawang boxers ay gagamit ng 8 ounce gloves at nagkasundong dumaan sa drug test sa linggo ng kanilang laban.

Inaasahang ihahayag nina Bob Arum ng Top Rank, para kay Pacquiao, at Richard Schaefer ng Golden Boy, para kay Mayweather, ang pagpapahayag sa Lunes tungkol sa ilang detalye ng laban baga-mat ang pormal na press conference ay magaganap sa Enero 6 sa New York.

May ulat na kapwa nagkasundo ang dalawang boksingero sa 50-50 split ng premyo na maaaring kumita naman ng humigit-kumulang sa $40M bawat isa pagkatapos ng laban, anuman ang mangyari at sinuman ang mananalo.

Ngayon pa lang, may tatlong buwan pa bago ang inaasahang laban, may nakalinya ng topnotch fighters si Freddie Roach na magsisilbing sparringmate ni Pacquiao.

Sinabi ni Roach na gusto niya si Amir Khan, ang reigning WBA light-welterweight champion, bilang main man sa sparring, kahit saan magtrain si Pacquiao sa Baguio man sa loob ng isang buwan o sa Los Angeles.

Tinitingnan din ni Roach si Tim Bradley para maging bahagi ng training team.

Isang malapit kay Pacquiao ang nagsabing narinig nitong may plano si Pacquiao na huwag ng magtrain sa Baguio at imbes sa Wild Card Gym na lang sa Los Angeles sa loob ng pitong linggo bago magtungo sa Las Vegas para naman sa isang training bago ang aktuwal na laban.

“Other than Amir Khan as Pacquiao’s main sparring partner, I like to include Timothy Bradley in my list,” wika ni Roach sa philboxing,com.

Si Khan, na nagwagi ng silver medal sa 2004 Athens Olympics nang ito ay 17 anyos pa lamang ay 5’7 ang taas habang si Bradley naman, ang top contender sa 140 lbs ay 5’6 at may orthodox stance ni Mayweather.

Ayon kay Roach ang dalawang boksingerong ito ang magiging instrumento sa paghahanda niya kay Pacquiao para sa pinakamalaking laban ng bagong century.

“And I have the keys to break down Mayweather even in the earlier rounds. Mayweather will have no more excuses; We’ll catch him early, if not it’s going to be Pacquiao by unanimous decision,” wika umano ni Roach.

“Pacquiao will strike on at unexpected angles that Mayweather will become frozen from taking too many shots.”

vuukle comment

AMIR KHAN

ATHENS OLYMPICS

BOB ARUM

FREDDIE ROACH

GOLDEN BOY

LAS VEGAS

LOS ANGELES

MANNY PACQUIAO-FLOYD MAYWEATHER

MAYWEATHER

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with