^

PSN Palaro

Marquez gusto muling makalaban si Pacman

-

MANILA, Philippines - Ang muling makalaban si Manny Pacquiao ang malaking motibasyon ni Juan Miguel Marquez sa kanyang nalalapit na laban kontra kay Floyd Mayweather sa September 19.

“I think that trying to get a fight with Manny Pacquiao is a great motivation to beat Mayweather,” pahayag ni Marquez sa record com.mx.

Dalawang beses nang nakaharap ni Marquez si Pacquiao -isang kontrobersiyal na tabla at isang talo At nais niyang makabawi. Sa katunayan nais ni Freddie Roach na susunod na kalaban ni Pacquiao ang mananalo sa labang ito ngunit mas pinapaboran ni Roach si Mayweather na dapat sanang kakalabanin ni Pacquiao.

Hindi nagkasundo sa hatian ng kita ang kampo ni Pacquiao at ni Mayweather kaya nauwi si Pacquiao sa pakikipaglaban sa Puerto Rican na si Miguel Cotto sa darating na Nov. 14.

Nakatakda nang magsimula ng training si Pacquiao sa susunod na linggo pagkatapos ng four-day press tour na magsisimula sa Sept. 10.

May namuo nang tensiyon sa pagitan ni Pacquiao at ni Roach na nainis na dahil imbes na maagang magsimula ng training ay tinapos pa ni Pacquiao ang pagsu-shooting ng mga pelikula, sitcom at commercials.

Isa pa ay mas gusto ni Pacquiao magtraining sa Baguio City na mahigpit na tinututulan ni Roach na gustong magtraining sa Mexico. Ayaw ni Pacquiao dito dahil sa seguridad.

Kahit nagkaroon ng problema, ayaw pa rin iwanan ni Roach si Pacquiao di gaya ng napabalita.

Nais lamang niyang makausap ng masinsinan ang alaga at simulan na agad ang training. (Mae Balbuena)

vuukle comment

BAGUIO CITY

FLOYD MAYWEATHER

FREDDIE ROACH

JUAN MIGUEL MARQUEZ

MAE BALBUENA

MARQUEZ

MAYWEATHER

MIGUEL COTTO

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with