Reyes lusot sa Canadian player

BAGUIO CITY, Philippines --Naligtasan ni Efren’Bata’ Reyes ang kanyang mga kamalian sa unang arangkada ng labanan upang talunin ang Canadian na si Gerry Watson at iparamdam ang kanyang malakas na kampanya para sa korona sa Manny Villar Cup Panagbenga leg kahapon sa punum-punong Events Center ng SM City Baguio dito.

Nagtala ang 54-anyos pool icon ng ilang unforced errors sa bawat unang apat na racks na nagbigay daan sa kanyang wildcard na kalaban na makuha ang 3-1 pangunguna sa prestihiyosong island-hopping series na presinta ni Senator Manny Villar’s Villards: Tulong sa Pagsulong ng Philippine Sports at hatid ng Camella Communities.

 Pero hindi binigo ni Reyes ang mga manonood at sinikap nitong bumangon upang talunin ang kalaban.

 “Malamig kasi dito kaya hindi agad nag-init ang tira ko,” ani Reyes. “Pero magaling talaga ‘yan si Watson, kaya nahirapan din ako, buti na lang at gumana ‘yung tira ko nung kalagitnaan.”

Umusad din ang nakaraang taong Cebu leg winner na si Gandy Valle sa second round matapos talunin ang qualifier na si Emil Martinez, 9-5.

 Ang iba pang maagang nanalo ay sina two-time World Juniors campaigner Rene Mar David kontra Russian Petiza, 9-3 at Egie Geronimo kay Joven Bustamante, 9-5.

Show comments