^

PSN Palaro

Geronimo lusot sa 2nd round ng Billiards Idol Season 2

-

Maganda ang simula ni Egie Geronimo at pinigilan nya ang pagbangon ng lady newcomer na si Tina Wells para sa 7-4 panalo upang pangunahan ang mga opening round winners ng unang leg ng Search for the New Billiards Idol Season 2 kahapon sa Superman Sports Bar sa Libis, Quezon City.

Kinuha ni Geronimo ang unang tatlong racks ng laban at tila magiging madali na ang kanyang panalo ngunit naghabol si Wells na ilang buwan pa lamang naglalaro ng bilyar, nang kanyang isubi ang tatlo sa sumunod na apat na racks na nagbigay kaba sa Pinoy kaya kinailangan niyang gamitin ang kanyang karanasan upang makaiwas sa upset.

Sina Geronimo at Wells ay parehong miyembro ng starstudded Bugsy Promotions ni businessman Perry Mariano. Si Wells ay isa sa apat na magagandang babae na dine-developed ng Bugsy na bahagi ng kanilang layuning “revolutionize women’s billiards in the country.”

Bukod sa 20-gulang na si Wells, ang tatlo pang Bugsy girls ay sina Shiela Sieja, Chill Marx at Rizza Ostonal.

Ang panalo ay naglapit sa 30-gulang na si Geronimo sa inaasam na Billiards Idol title at sa P10,000 top prize na nakataya sa unang yugto ng yearlong series of tournaments na inorganisa ng Billiards Managers and Players Association of the Philippines (BMPAP) bilang premier grassroots development program.

Nanalo rin sina Benjie Guevarra sa kanyang kapwa one-time leg winner noong nakaraang taon na si Joey Pardales, 7-0; Mark Mendoza kay Rene Mar David, 7-6; Jomar de Ocampo kay William Millares, 7-4; Richard Pornelosa kay Manny del Rosario, 7-2; Manolo Tanasas kay Sieja, 7-2; Ramil Chico kay Richie Tan, 7-2; Eric Sandoval kay Jet Taiza, 7-3; John Rebong kay Rodel Baddoc, 7-1; at Emil Martinez kay Hadly Mariano, 7-0.

vuukle comment

BENJIE GUEVARRA

BILLIARDS IDOL

BILLIARDS MANAGERS AND PLAYERS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

BUGSY

BUGSY PROMOTIONS

CHILL MARX

EGIE GERONIMO

EMIL MARTINEZ

ERIC SANDOVAL

KAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with