Rabeh, Tiu at iba pang Blue Eagles lalaro sa Hapee

Opisyal na lalahok sina collgiate stars UAAP MVP Rabeh AlHusaini at crowd favorite Chris Tiu sa pamilya ng Philippine Basketball League (PBL) sa pagdaraos ng Rookie Draft ngayon sa Ynares Sports Center.

Ang pambato ng newly crowned UAAP cham-pion na Ateneo ay lalaro sa Hapee Toothpaste sa nalalapit na season ope-ning tournament, na ba-wat isa ay determinadong makatulong sa Lamoiyan franchise na maibalik ang masasayang araw nito.

Bukod kina Al-Hussaini at Tiu, ang iba pang Ateneo players na lalaro sa Hapee Toothpaste ay sina Finals MVP Nonoy Baclao, Eric Salamat, Jeffrey Long, Raymond Leonard Austria, Jai Reyes, Christopher Sumalinog at Jobe Nkemakolam.

May apat na taon na ang nakakalipas nang huling magkampeon ang Hapee kung saan kabilang sa team sina Rich Alvarez, LA Tenorio at Larry Fonacier ng Hapee.

Show comments