Burger King, San Mig tangka ang semis berths

Hangad ng Burger King at San Mig Coffee na kumpletuhin ang semis cast sa pakikipagharap sa magkahiwalay na kalaban ngayon sa PBL Lipovitan Amino Sports Cup sa quarterfinal round sa Pres. Laurel gym sa Tanauan, Batangas.

Bilang third at fourth sa pagtatapos ng double round elimination, ang BK Whoppers at Coffee Kings ay may twice-to-beat privilege.

Hangad ng Coffee Kings, nakakuha ng ikalawang quarterfinal bonus matapos igupo ng BK ang Pharex Medics sa pagtatapos ng elims, ang ikatlong semis berth sa pakikipagharap sa Toyota Otis Sparks sa alas-2:00 ng hapon.

Matapos ang huling tatlong sunod na panalo sa elims, tangka naman ng Whoppers ang semis berth laban sa Medics, ang team na dalawang beses nilang tinalo sa  elims.

Kung mananalo ang BK at San Mig Coffee, makakasama nila ang No. 1 Harbour Centre at Hapee Toothpaste sa semis  na best-of-five affair.

May playoff sa Miyerkules kung mananalo ang Toyota Otis at Pharex ngayon.

Ito ang ikalawang out-of-town game ng PBL matapos dumalaw sa Trece Martires gym sa Cavite at may plano sina Commissioner Chino Trinidad, Deputy Commissioner Tommy Ong at Board Chairman Dr. Cecilio Pedro ng Hapee Toothpaste na dalhin ang aksiyon sa Baguio City sa susunod na linggo.

Show comments