Twice-to-beat kuha na ng Elasto Painters

Trinangkuhan ni Jojo Tangkay ang Rain Or Shine patungo sa 74-69 panalo laban sa Magnolia Ice Cream at kunin ang ikalawa at huling twice-to-beat slot sa quarterfinals ng 2006 PBL Unity Cup sa Olivarez Sports Center sa Parañaque.

Ipinakita ni Tangkay ang kanyang pang-MVP na porma nang magbaon ito ng crucial trey sa huling 14 na tikada at ilapit ang Elasto Painters tungo sa ikalimang sunod na appearance sa semis.

Naaninag ang virtual best-of-three series mata-pos na manaig ang Mon-taña Pawnshop sa Har-bour Centre, 95-84 sa naunang laro.

Matapos umiskor ng jumper si Jeff Chan na naglapit sa kanila sa 69-71, nagbida si Tangkay nang isang perpektong assist ang kinana ni Marvin Ortiguerra kay Tangkay para biguin ang hamon ng Spinners.

Bukod sa pagtapos sa four-game losing skid--nakumpleto din ng Elasto Painters ang two-game sweep sa Spinners--ang team na pumigil sa kani-la sa Heroes Cup Finals noong nakaraang Pebre-ro. (RCadayona)

Show comments