^

PSN Palaro

Kapana-panabik na aksiyon inaasahan sa RP Open Badminton

-
At dahil sa pagdagsa ng mga matitikas na dayuhang shuttlers, inaasahang ang first Bingo Bonanza Philippine Open Badminton Champion-ships na presinta ng PLDT Business Solutions ay tiyak na magbibigay sa mga local badminton ng kanais-nais na laban sa pagdaraos nito sa May 24-28 sa PhilSports Arena.

Ayon kay Philippine Bad-minton Association vice president Edgardo Aglipay, ang pagdaraos ng world caliber meet na gaya ng RP Open ay gagawa ng malaking impact para sa Filipinos at mismong sa naturang sports.

"Of course, we will cheer and rout for our own and we want them to win," ani Aglipay. "But just watching the best of the world play here is enough to create awareness and inspire to the Filipinos to dream big."

Walang iba kundi ang reigning Olympic at world champion na si Taufik Hidayat ang mismong nag-endorso ng nasabing event at sinabi nito na maitataas nito ang antas ng paglalaro dito kasabay nito ay makakatulong rin ito sa pagdevelop ng local players bilang isang world-class caliber.

Pinili rin ni Aglipay ang Malaysia bilang teams to beat sa torneong ito na inorganisa ng IMG na humakot rin ng pan-sin ng 16 bansa kabilang ang Singapore, India, Canada, Indonesia, Hong Kong, Japan, Korea, Taiwan, England, Viet-nam, Austria, Germany, Thai-land, Finland at host Philip-pines.

Ito ang kauna-unahan na ang RP Open, na itinataguyod ng Bingo Bonanza at JVC (PHILS.), Inc., na isang IBF (International Badminton Federation) event ay idaraos sa bansa upang makapagbi-gay rin sa mga local players ng tsansa na makakuha ng world-ranking points.

vuukle comment

AGLIPAY

AYON

BINGO BONANZA

BINGO BONANZA PHILIPPINE OPEN BADMINTON CHAMPION

BUSINESS SOLUTIONS

EDGARDO AGLIPAY

HONG KONG

INTERNATIONAL BADMINTON FEDERATION

PHILIPPINE BAD

TAUFIK HIDAYAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with