^

PSN Palaro

Hapee-PCU nakabangon; Harbour Centre lusot sa OT

-
Kung nagkaroon ng three-way logjam para sa liderato, mayroon ring triple tie para sa ikalawang puwesto matapos wakasan ng Hapee-PCU ang kanilang two-game losing slump nang sorpresahin ang Magnolia Dairy Ice Cream mula sa 77-60 sa 2006 PBL Unity Cup kahapon sa Olivarez College Sports Center sa Parañaque.

Ang naturang tagumpay ng Teethmasters ang nagbigay sa kanila ng 2-3 kartada katulad ng Spinners, nasa three-game losing slump ngayon, at Granny Goose sa ilalim ng 4-1 baraha ng Toyota Otis Sparks, Montaña Jewels at nagdedepensang Rain or Shine Elasto Painters, habang nasa ilalim pa rin ang bagitong TeleTech Titans at Harbour Centre Portmasters sa likod ng magkapareho nilang 1-4 marka.

Tinapos ng Hapee-PCU ang kanilang two-game losing skid sa kabila ng pagkakaroon ng sakit ni coach Junel Baculi at injury ni Rob Sanz.

Sa inisyal na laro, naglista naman si Joseph Yeo ng season-high 27 marka, 7 rebounds, 6 assists at 3 steals sa loob ng 35 minuto para ihatid ang Portmasters sa 84-81 overtime win kontra sa Granny Goose.

Sapat na ang naturang kabayanihan ng dating La Salle Archer upang tikman ng Harbour Centre ang kanilang kauna-unahang panalo makaraan ang 0-4 simula, habang nalaglag naman sa 2-3 ang baraha ng Granny Goose.

Dinala ni Ryan Araña ang Harbour Centre sa overtime mula sa kanyang split matapos kunin ng Granny Goose ang 73-72 kalamangan sa huling 1:00 ng fourth quarter.(RCadayona)

vuukle comment

GRANNY GOOSE

HAPEE

HARBOUR CENTRE

HARBOUR CENTRE PORTMASTERS

JOSEPH YEO

JUNEL BACULI

LA SALLE ARCHER

MAGNOLIA DAIRY ICE CREAM

OLIVAREZ COLLEGE SPORTS CENTER

ROB SANZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with