JVC Jrs. badminton magsisimula sa Megamall ngayon

Magpapatuloy ang aksiyon sa JVC Open Junior Badminton Championships sa SM Megamall kung saan inaasahang tataas ang intensidad ng kompetisyon para sa round of 16 sa girls singles at girls doubles.

Pangungunahan ni Gelita Castillo, naka-bye at nag-walkover win sa elims phase, ang tatlong Centra Atletico bets sa tournament proper kung saan makakasagupa niya sina Dorothy Ann Griarte, na nagdomina kay Isabel Guanson, 21-6, 21-2, para makapasok sa round of 16 ng girls’ singles event sa 14-under division. Ang iba pang CA mainstays na nakausad sa annual event na sponsored ng JVC (PHILS.), Inc. ay sina Jessalam Sampurna at Pia Fabros.

Magsisimula ang mga laban sa alas-11:00 ng umaga bagamat ang formal opening rites ay sa alas-2:00 ng hapon kung saan si JVC (PHILS.), Inc. president at COO Hideyuki Takato ang mangunguna sa mga panauhin na kinabibilangan nina PBA (Philippine Badminton Association) president at former First Lady Mrs. Amelita Ramos, PBA vice president Edgar Aglipay, JVC officials Kazue Salud, Faustino Salud, Dennis Salud, Bingo Bonanza president Albee Benitez at SM officials Ruby Reyes, Robbie Decena at Arvin Ang.

Samantala, ang deadline para sa registration sa JVC Regional Badminton Championships ay sa March 30, ayon sa organizing img. Tingnan ang www.jvcbadminton.com or e-mail at jvcbadminton@hotmail.com para sa detalye o tumawag sa 0917-805-0702 (Tonette); 0917-8050601 (Carol); 0917-5288970 (Nelson).

Magpapatuloy naman ang JVC regional circuit sa Cebu sa April 3-7 na susundan ng Pampanga sa April 17-21, Davao sa May 1-5 at Bacolod sa May 15-19..

Show comments