Alaska mayroon nang alas

Sumandal ang Alas-ka Aces kay Mike Cortez sa overtime upang mata-kasan ang hamon ng Sta. Lucia Realty sa double overtime game sa pama-magitan ng makapigil hiningang 108-104 pana-lo sa pagsisimula ng wild card phase ng San Mig Coffee-PBA Fiesta Con-ference sa Cuneta Astro-dome.

Umiskor si Cortez ng siyam na puntos sa kan-yang tinapos na game-high na 27, sa ikalawang overtime upang ibigay sa Aces ang 1-0 kalama-ngan sa best-of-three serye.

Kailangan na lamang manalo ng Alaska sa Mi-yerkules upang tuluyang makapasok sa quarter-final round kung saan naghihintay na ang Talk N Text at ang Red Bull.

Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyan pang naglalaban ang Air-21 at ang ‘survivor team’ na defending champion San Miguel Beer sa kanilang sariling best-of-three serye.

Bagamat ang Realtors ang may huling pagkaka-taong isukbit ang panalo sa regulation at unang overtime, pumaltos ang jumper ni Alex Cabagnot at lumuwa sa ring ang tira ni Dennis Espino na si-yang dahilan ng dala-wang extensions.

Nasayang ang eksplo-sibong performance nina Dennis Espino na may 26-puntos, import Damien Owens na may 24 at Kenneth Duremdes na tumapos ng 21 dahil sa pagka-talo ng Realtors. (CVO)

Show comments