^

PSN Palaro

RITUALO AT GONZALES

FREE THROWS - AC Zaldivar -
Magandang panoorin ang dalawang dating magkalabang mortal na ngayon ay nagtutulungan upang maisulong ang kapakanan ng kanilang koponan sa PBA Fiesta Cup.

Ganyan ang naisip ng karamihang nakasaksi sa performance nina Ren-ren Ritualo at Wesley Gonzales sa huling laro ng FedEx Express kontra sa Talk N Text Phone Pals. Nagwagi ang Express, 111-108 para mag-improve ang kanilang karta sa 3-3 na kagaya ng record ng kanilang nabiktima.

Aba’y matinding fire power ang ipinamalas nina Ritualo at Gonzales na posibleng maging 1-2 punch ni coach Gerardo "Bong" Ramos simula ngayon.

Sa tutoo lang ay parehong star players ang dalawang nabanggit noong sila ay naglalaro pa sa amateur tournaments. Si Ritualo ay dating manlalaro ng La Salle Green Archers at responsable sa apat na titulong naisubi ng kanyang koponan sa Universities Athletic Association of the Philippines (UAAP).

Si Ritualo ay naglaro din sa Welcoat House Paints na nagwagi ng ilang kampeonato sa Philippine Basketball League. Siya ay nahirang na Most Valuable Player sa UAAP at sa PBL.

Bagamat hindi naman nanalo bilang MVP si Gonzales ay kinatakutan din siya bilang shooter sa UAAP kung saan naglaro siya sa karibal ng La Salle na Ateneo Blue Eagles. Naging bahagi din siya ng Ateneo team na tumapos sa domination ng La Salle at nagkam-peon.

Noong sila’y nasa UAAP pa, si Wesley ay ipinababantay kay Ritualo at alam naman ng lahat kung paano ang trash talking na ginagawa ng dalawa. Pero iyon ay bahagi lang ng paglalaro nila at sa rivalry ng kanilang teams.

Ngayon siguro’y pinagtatawanan na lang nila ang karanasang iyon dahil sa panibagong kabanata na ito ng kanilang playing careers.

Kung noon ay nag-aasaran sila sa laro, ngayo’y ang kalaban nila ang kanilang iniinis bunga ng kanilang matinding shooting.

Kaya nga sinasabing suwerte rin ang FedEx dahil sa nakuha nito ang dalawang star players ng Ateneo at La Salle. Kumbaga’y nakaka-tulong na sina Ritualo at Gonzales sa panalong itinatala ng Express, nakakatulong pa rin sila sa pag-attract ng mga fans.

Kasi nga, bilang pinakabatang koponan sa PBA, kailangan ng FedEx na magkaroon ng fan base. Suwerte nga sila’t nakuha nila si Gonzales sa Draft noong isang taon bukod pa kina Ranidel de Ocampo at Marc Pingris.

Ngayon ay pwedeng La Sallista o Atenista ang parehong maging fans ng FedEx. Itutuloy lang nila ang pagsubaybay sa careers nina Ritualo at Gonzales.
* * *
HAPPY 50th anniversary sa aking mga magulang na sina Vice-mayor Amideo Zaldivar at Atty. Maria Carrillo-Zaldivar. Ang Golden anniversary ay magaganap sa Abril 23.

vuukle comment

AMIDEO ZALDIVAR

ANG GOLDEN

ATENEO

ATENEO BLUE EAGLES

FIESTA CUP

GONZALES

LA SALLE

RITUALO

SI RITUALO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with