^

PSN Palaro

PBL Open Championships: Makapigil hiningang panalo ng Air Philippines

-
Dahil Haloween, naging suspense-thriller ang panalo ng baguhang Air Philippines nang kanilang itakas ang 78-76 panalo kontra sa Granny Goose Tortillos sa pagpapatuloy ng PBL season ending Open Championships na dumako sa La Salle Greenhills kahapon sa San Juan.

Kontrolado ng Air Philippines ang laro, ngunit nagawang itabla ng Granny Goose ang iskor sa 76-all mula sa undergoal stab ni Alfie Grijaldo patungo sa huling 31 segundo ng labanan.

Nabawi ng Flights ang kalamangan mula sa side jumper ni Jerome Paterno, 9.9 segundo pa ang natirang posesyon para sa Snack Masters.

Sa ikalawang laro, dinomina ng ICTSI La Salle ang kanilang laro kontra sa Addict Mobile Ateneo tungo sa 81-57 panalo upang makabawi sa kanilang pagkatalo sa kanilang debut game.

Matapos kunin ang 38-26 bentahe sa half-time, pinalaki ito ng Archers sa 26 puntos, 78-52 kalamangan sa ika-apat na quarter upang iangat ang kanilang record sa 1-1 panalo-talo.

Pinangunahan ni Mark Cardona ang ICTSI sa pagkamada ng 28-puntos upang ipalasap sa Ateneo ang kanilang ikalawang sunod na kabiguan para samahan sa duluhan ang walang larong Welcoat Paints. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)

vuukle comment

ADDICT MOBILE ATENEO

AIR PHILIPPINES

ALFIE GRIJALDO

CARMELA V

DAHIL HALOWEEN

GRANNY GOOSE

GRANNY GOOSE TORTILLOS

JEROME PATERNO

LA SALLE

LA SALLE GREENHILLS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with