^

PSN Palaro

Search for Tanduay's No.1 Billiard Player:Ocampo tangkang pigilan si Gabica

-
Sisikapin ng batang billiards protege na si Nestor Ocampo na mapigil ang back-to-back Tokyo 9-Ball Open champion na si Antonio ‘Gaga’ Gabica ngayon sa kanilang paghaha-rap para sa bagong billiards stars na tinaguriang ‘Search for Tanduay the No. 1 billiards Player na tutungo sa Robin-son’s Malls.

Ang 23-anyos na si Ocampo, tubong Pampanga ay tinanghal na kampeon sa 2002 Efren ‘Bata’ Reyes Cup kung saan kilalang veteran international champion na nag-organisa ng palaro sa kanyang bayan.

At gaya ni Reyes, pangarap rin ni Ocampo na makagawa ng malaking pangalan sa international scene.

Pipilitin niyang mapigil si Gabica upang mapalawig ang kanyang kampanya bilang featured cue artists sa ikalimang sunod na linggo sa event na ito.

Ang nasabing laban na sponsored ng Tanduay the No. 1 Rhum, Robinson’s Malls at Rommel’s billiard ang official table ay ipalalabas ng National Broadcasting Network ngayong gabi sa primetime, 8-9pm.

Kailangan ni Ocampo na manalo ng dalawang ulit upang tanghaling kampeon at supilin si Gabica at siya naman ang magiging bagong hahamunin sa susunod na linggo.

Ang tatanghaling overall champion ngayong taon ay makakakuha ng sponsored mula sa Tanduay kung saan ang homegrown star ang siyang magdadala ng kulay ng Tanduay at ng bandila ng bansa sa prestihiyosong international competitions.

vuukle comment

BALL OPEN

BATA

EFREN

GABICA

NATIONAL BROADCASTING NETWORK

NESTOR OCAMPO

OCAMPO

REYES CUP

TANDUAY

TANDUAY THE NO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with